
Ang La Union ay isang probinsya sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos, ang kanyang kabisera ay ang lungsod ng San Fernando. Mula sa lungsod ng Baguio ang pagbiyahe papuntang La Union ay aabutin ng isang oras. Ang La Union ay tanyag sa kanilang mga naggagandahang mga beach. Dahil sa mga beach na ito ay nahihikayat ang mga turista upang pumunta sa La Union. Kadalasan maraming mga turista na nagtutungo ditto sa bakasyon at panahon ng tag-init upang magpakawala ng problema at makapagsamasama bilang isang pamilya.

Ipinagdiriwang taon taon ang Surf Break sa La Union tuwing Oktubre. Kung saan madaming tumurista ang dumadayo sa La Union maging mga dayuhan man, dahil dito itinanghal ang La Union bilang Surfing Capital ng Pilipinas.

Alawiesmail05, 2015.SAN JUAN BEACH SURFING – LA UNION. 29 Nobyembre 2019. surfbreak-https://idrlawimooh.files.wordpress.com/2015/08/launionsurfingbreak_6_2011.jpg
Bukod sa mga naggagandahang mga beach isa din sa mga nakakaengganyong aktibidab na maaari mong gawin ay ang Grape Picking sa Bauang La Union kung saan dito matatagpuan ang magkakatabing mga taniman ng ubas. Ang anuman na iyong makukuha ay maaari mong bayaran depende sa dami, sa pamamagitan nito malalaman mo na mas sariwa ang mga ito dahil ikaw mismo ang namitas. Ang Bauang, La Union rin and Grape Capital ng Pilipinas.

Aseoche, T. (24 August 2016). Bauang, La Union: Visiting the Grapes Capital of the Philippines. (03 December 2019). https://windowseat.ph/bauang-la-union-grape-farm/
Isa namn samga tanyag at dinadayong ka-piyestahan sa La Union ay ang Ayat Festival. Ang Ayat Festival ay sinisimulan sa Pebrero at ito ay nagtatapos hanggang sa unang linggo ng Marso. Maaaring matunghayan sa City Plaza ang mga aktibidad tulad ng mga presentasyon at mga patimpalak, na layuning pagyamanin ang kultura ng La Union.
Kabilang dito ang “Kultura Ti La Union” cultural show, “Kantarap” o kompetisyon sa pag-awit ng modernong Iloko Rap at Iloko Songs, Iloko Scrabble Tournament, “La Union Henio”, at “Search for Best Iloko Translation ng La Union Hymn.”
Ang Ayat Festival, ay inilulunsad upang pagyamanin ang lokal na lenggwahe La Union, gayundin ang kanilang mga kultura at talento .Ang karaniwan ng mga aktibidad ay ginaganap sa bakasyon at panahon ng tag-araw ganunman maaaring samantalahin ng mga pamilya ang pagkakataong ito upang sila ay kumpleto at makapagbakasyon na magkakaanak.

LU Ayat Festival 2017. (25 September 2017). http://www.amiananbalitangayon.com/lu-ayat-festival-2017/
Halina at tuklasin ang ganda ng La Union.